Record-high na koleksyon mula Enero hanggang Mayo…
UMAKYAT sa 92.53 porsyento ang performing loans ration ng Pag-IBIG Fund, matapos na magdoble ang koleksyon sa housing loan payment sa unang limang buwan ng taon, ayon sa top executives ng ahensya.
Mula Enero hanggang Mayo, nakakolkta ang ahensya ng P31.97 bilyong piso sa home loan payments, kung saan 15 porsyento o P4.22 bilyon itong mas mataas sa halaga ng kanilang nakolekta sa pareho rin panahon noong nakaraang taon.
Ang nasabing halaga ay record-high pagdating sa nakolektang home loan payments ng ahensya mula Enero hanggang Mayo.
“We are happy to report that our total collections for the first five months of the year already stand as the highest in our history. Strong collections not only reinforce Pag-IBIG Fund’s financial sustainability, but also benefits our members because the amount we collect are then ploughed back to our housing portfolio so that more members can avail of our home loans.
This is one of our ways of heedin President Ferdinand Marcos, Jr.’s call in solving the country’s housing backlog under the Pambansang Pabahay, para sa Pilipino or 4PH Program,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development at sa 11 miyembro ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Samantala, binigyang-diin naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, na dahil sa patuloy na koleksyon ng ahensya sa home loan payments sa unang limang buwan ng taon, ay patuloy na tumataas ang performing loans ration ng Pag-IBIG Fund.
Mula 90.69 porsyento noong Disyembre ng nakaraang taon, umakyat sa 184 puntos para maabot ang 92.53 porsyento noong Mayo ang PLR ng ahensya.
“We are grateful to our members for their efforts in fulfilling their payment obligations on their loans. Their on-time payments are clearly reflective of their trust in us as we continue to provide relevant programs and services to respond to their needs. Our strong collections and PLR would allow us to not only address the loan needs of our members, but also to keep our interest rates low despite the prevailing market conditions. These are all part of our Lingkod Pag-IBIG commitment to provide accessible and affordable home loans for each Filipino worker,” dagdag ni Acosta.