Yorme Isko Cinongratulate Ang TVJ Sa Bagong Tahanan; Paolo Contis Winelcome Ang It’s Showtime

Kilalang prangka at totoo sa sarili si Yorme Isko Moreno, pero laking gulat ng mga televiewers last July 1 na imbes makarinig ng patutsada ay bigo sila dahil cinongratulate pa ni Yorme nung araw na yun ang TVJ, sa kanilang show at bagong tahanan.

Well, respetado ni Yorme Isko ang nasabing iconic trio. At sa panayam niya  kay Kuya Boy Abunda sa FAST TALK sa GMA7, ay sinabi ni Yorme na silang tatlong noontime show na magkakatapat sa tanghalian ay parang buffet sa kanilang mga manonood.

Aminado si Yorme Isko na konti lang ang pumili sa kanila noong Sabado, July 1 pero hindi na aniya ngayon dahil tatlong araw na nilang tinalo sa rating games ang It’s Showtime. Nitong July 4 (Tuesday) ay konti na lang ang lamang ng E.A.T ng TVJ sa kanila sa rating na 5.0% at sila naman sa Eat Bulaga ay 3.9% ang nakamit na rating mula sa survey ng AGB NIELSEN PHILS at NUTAM PEOPLE RATINGS.

Well, ang bayan na ang humatol at puro good vibes naman ang hatid araw-araw ng Eat Bulaga sa televiewers at live audience na busog na busog sa mga papremyong libo-libong cash sa iba’t-iba nilang segment contest.

May 100K na pwedeng mapanalunan sa “QR QR” o QUICK QUICK RESPOND REWARD. Malakas naman ang hatak ng Public Service Segment ng EB na “G NA SA GEDLI” kung saan pumupunta sa iba’t-ibang Barangay sina Yorme Isko at tandem nitong si Buboy Villar para mamudmod ng  dagdag puhunan sa maliit na negosyo.

Focus rin sila sa pagbibigay ng entertainment.

“Kami naman, basta tayo focus lang tayo, ang gagawin nating Eat Bulaga ngayon, hindi na tungkol sa mga host, tungkol na ito sa viewers-eccentric na tayo na show. Ilapit natin ‘yung Eat Bulaga sa kanila,” say pa ni Yorme kay Kuya Boy.

Samantala noong July 1 ay nagbigay pugay naman si Paolo Contis sa mga host ng It’s Showtime sabay welcome sa mga ito sa GTV.

****************

Child Actor Gabriel Jay Oposa Ng “AGULO” Binatilyo Na  

Appealing itong pamangkin na young actor ni Direk Reyno Oposa na si Gabriel Jay Oposa.

Unang napanood si Gabriel bilang child actor sa quality movie na “AGULO” na directed by Reyno at produced ng sariling independent movie outfit na ROS FILM  PRODUCTION.

Samantala, abangan at magdadaos ng workshops ang Ros Film Production para sa nais sumubok sa larangan ng indie movie. Registration is negotiable and affordable. At gustong iparating ni Direk Reyno, na hindi siya bogus na indie director dahil nag-aral siya ng Filmmaking sa renowned Film School sa Toronto, Canada. Mahusay na director si Oposa kaya’t marami kayong mga matututunan sa kaniya. (PETER LEDESMA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights