Kris Aquino, nakipaghiwalay na sa bf na pulitiko

Walang kaginsa-ginsa ay heto na at nagpasya ang Queen of All Media na si Kris Aquino na makipaghiwalay na sa kanyang kasintahan na si Mark Leviste, ang bise-gobernador ng Lalawigan ng Batangas.

Aminado naman talaga si Kris na minahal niya si Mark.

Gayundin, minahal din siya ni Leviste.

Kung gayon ay nagmahalan sila kapwa at ito ang nakakapanghinayang.

Ngayon pa naman na malubha ang karamdaman ng aktres at ang pag-ibig ay maaaring makalutas sa kanyang suliranin sa kalusugan.

Pero nagdesisyon din si Aquino na wakasan na ang kanyang damdamin sa pulitiko.

Ayon kay Kris, napakahirap ng sitwasyon ng long distance love affair.

80,000 ngang milya ang layo nila ni Mark sa isa’t isa.

At hindi biru-biro ang distansiyang ito lalo na sa romansa.

Mas pinaboran ni Kristeta ang paghihiwalay nang dahil sa espasyo.

Isa pa, ayon kay Aquino, mas kailangan ng mga taga-Batangas ang kanyang boyfriend dahil sa serbisyo-publiko na ipinagkakaloob nito sa mga ito.

Gayunman, may pasubali ang aktres na baka naman siya ay magselos kung sakali at unahin ni Mark ang paglilingkod sa bayan kaysa kanya, isang bagay na hindi niya hahayaan.

Ngayon ay wala na namang kasintahan ang anak nina Cory Aquino at Ninoy Aquino bagamat ang kanyang hinaharap ay ang kanyang pagpapagamot at pagpapagaling.

Nabibigyan naman siya ng inspirasyon at kasiyahan ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Nagbalik na nga ang mga bata sa US para samahan ang kanilang ina.

Gayunman, ang hindi magandang balita ay ang pagkakasakit ng pulmonya ni Bimby pero ginagamot na naman siya.

Samantala, pinabulaanan ni Sabrina M. ang asuntong ihahain sa kanya ni Claudine Barretto dahil sa kanyang pagbubulgar na nakipag-live in sa kanya ng humigit-kumulang sa limang buwan ang namayapang aktor na si Rico Yan.

Matatandaang matagal na naging katipan ni Rico si Claudine.

Nagpuputok ang butse ni Barretto dahil sa pagbubunyag ni Sabrina nang maselang bagay na ito lalo na’t sumakabilang-buhay na si Rico.

Ayon kay M. hindi totoong idedemanda siya ni Claudine.

Kaya patuloy lang sa pagkukuwento si Sab sa romansa kay Rico.

Hindi rin siya natatakot sa mga banta ni Clau.

80% na pala ang natatapos sa pelikulang “Loyalista” na pinagbibidahan ni Imelda Papin sa direksyon ni Gabby Ramos.

Si Claudine ang gumaganap na Imelda Papin nang kabataan nito

Samantala, si Ice Seguerra ang magbubukas ng concert sa Maynila ni Alanis Morreset sa susunod na buwan. (IMAGES by BOY VILLASANTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights