Maintained at consistent ang Eat Bulaga ng Tape Incorporated sa kanilang mataas na ratings araw-araw (Lunes hanggang Sabado).
Di tulad ng E.A.T ng EB mula sa 8.4% nitong rating sa kanilang pilot episode ay pabagsak sila nang pabagsak! Parang Spaghetti, pababa nang pababa.
Nakalolokah di ba?
At noong July 19, Miyerkules, ay tinalo pa nga ng Eat Bulaga sa rating ang E.A.T ng TVJ sa TV5 sa rating na 4.12% at ang E.A.T na 3.79% lamang. Nasa pangatlo at panghuling pwesto naman ang It’s Showtime sa combined rating nito na 2.76%. Ito ay base sa survey ng AGB NIELSEN PHILIPPINES NUTAM o NATIONAL RATING.
Isa lang ang ibig sabihin nito, marami sa ating mga Kapuso ang naglilipatan na sa Eat Bulaga nina Yorme Isko, Paolo Contis, Buboy Villar at Betong Sumaya at marami pang iba. Na tuwing tanghali ay inaabangan ng marami nating kababayan ang saya at tulong na hatid ng EB sa “G Sa GEDLI” ni Yorme at Buboy at mga iba’t-ibang segments para sa live audience at homeviewers.
Kaya dun sa katapat na programa ng Eat Bulaga, na madalas magparinig na host, na walang karapatan ang Eat Bulaga ng mga Jalosjos na mag-celebrate ng kanilang 44th Anniversary sa darating na July 29, Sabado sa APT Studio na punong-puno ng sorpresa at mas malaking papremyo ang ipamimigay ng mga hosts, eat your heart out!
Yes, wala nang pwedeng humarang pa sa malaking selebrasyon na ito ng Eat Bulaga ng Tape Incorporated ng mga Jalosjos, na real owner at producer ng nasabing pangtanghaling programa.
Happiest 44th Anniversary in advance EAT BULAGA!
Ysabella Orandain proud na nakasama sa Dance Concert 2023 ng GFORCE sa The Theater Solaire

Bukod sa pag-arte ay mahusay rin na dancer ang young actress na si Ysabella Orandain na lead star ng pelikulang “MENSAHE” na malapit ng ipalabas sa mga sinehan. At big factor, kung bakit lalong humusay na humataw sa dance floor itong si Ysabella ay dahil sa GFORCE Dance Center o Studio ni Teacher Georcelle siya nagtraining. At dahil pwede ng isabak sa concert ay isinama ni Teacher Georcelle si Ysabella at ilang kasamahang dancers sa ginawang GForce Project 2023 Dance Concert, Year 2 na ginanap sa The Theater Solaire last July 9 at jampacked ang said concert. Super proud naman itong si Ysabella at nakasama siya at naging parte ng sold-out concert na ito ng GFORCE. ” Grabe po yung saya ko at kaba habang nagpe-perform kasama pa ng iba kong classmates sa dance studio ni Teacher Georcelle. Iba po talaga ang galing niya as dancer and choreographer she’s super perfect and the best po. Saka nakasama rin po namin sa show ang sikat na dancer at social media Personality na
si Niana Guerrero at little sister nito na si Natalia. Thank God, at naitawid namin yung sayaw namin infront of our many audience.
“Aside kay Teacher Georcelle ay gusto ko rin pong magpasalamat sa mga dance teachers ko po sa GForce na sina, Teacher Bhe, Coach Kevien Lopez and Ate Gen Bandoy. Thank you po kanilang lahat.” Sambit pa ni Ysabella, na very happy at flattered, na nakapag-perform sa sikat na venue na The Theater ng Solaire Hotel sa Paranaque City.