No exaggeration, pero ang celebrity lawyer and ramp model na na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang pinakamatunog na pangalan hindi lang social media pati na sa tabloid, radio at television.
Well ang edge kasi ni Atty. Maggie sa mga kapwa niya abogado maliban sa kanyang pagiging celebrity lawyer, ay kilala siyang palaban at naipapanalo niya ang kaso tulad ni Vhong Navarro na nakalabas ng kulungan at vindicated sa kasong rape ni Deniece Cornejo. Kumbaga hindi siya basta-bastang abogado lang kundi pinag-aaralan talaga niya ang bawat case na hinahawakan at siyempre dapat alam ni Atty. Maggie na nasa tama ang ipinaglalaban niyang kliyente sa korte.
Tulad ng Jalosjos brothers na sina Cong. Jon-jon at Mayor Bullet na dinedepensahan naman niya sa TVJ na nagkaso ng copyright infringement laban sa Tape Incorporated. At naniniwala si Atty. Maggie na maipaglalaban niya sa korte ang Tape Inc dahil sila naman talaga ang totoo o legit na producer ng Eat Bulaga, ng 44 years at nagmamay-ari ng name at logo ng Eat Bulaga na 2011 pa lang ay naiparehistro na nila ang trademark nito sa IPOPHIL, at na-renewed uli last June 24 this year.
Samantala pinalagan pala ni Atty Maggie ang maling ulat ng evening news program ng TV5 sa pagkasenla ng 2nd hearing nila sa TVJ noong July 31 ng umaga na ibinase lang pala sa tweet ni Tito Sotto.
Ang totoo ay hindi nakapag-file ng kanyang judicial affidavit si Tito gaya ng kanyang ipinalabas. Agad na humingi ng paumanhin ang TV5 at kanilang nilinaw na mali ang kanilang unang ibinalita noong July 31. Naglagay sila ng erratum dahil tinawagan mismo ni Atty. Maggie si MJ Marfori ng TV5 para sabihan ito na maling-mali yung naiulat nila sa kanilang news program.
Yan ang kalidad ni Atty. Maggie, basta alam niyang nasa tama at katuwiran siya ay ipaglalaban niya ito.
Hindi rin katulad ng ibang lawyer si Atty. Maggie na akala mo nakikipalaban sa giyera tuwing may hearing. Siya chill and relax lang and with a smile pa.
Well ang sikreto, bukod kasi sa pagiging abogado ay isa ring ramp-model itong si Atty. Maggie na last July 27 ay kasamang rumampa ang gwapo at bibong anak na si John Clark Garduque sa Manila International Fashion Week 2023.
Kasabay ring rumampa ni Atty. Maggie sa event na ito ang ilang co-celebrity model , tulad ng actress beauty queen na si Patricia Javier. Maraming artistang kaibigan ang pretty abogada, na presidente ng FAME o Fashion Arts Music and Entertainment.
PELIKULANG “MENSAHE” NI YSABELLA ORANDAIN, IBA PANG CAST MUST WATCH MOVIE THIS 2023

Ngayon pa lang ay marami na ang mga nag-aabang sa Red Carpet Premiere Night ng pelikulang “MENSAHE” kung saan parte ng lead casts ay ang magandang young-actress dancer na si Ysabella Orandain.
Ito ay gaganapin sa Aug 27 sa Market Place Cinema 2 sa Mandaluyong City, na dadaluhan ng buong cast, director ng movie na si Direk Mark Agcaoili at producer.
Ang pangalan ng karakter ni Ysabella sa nasabing educational-drama film ay si Carla Francisco na isang vlogger, supportive na kaibigan ng isa rin sa gumaganap na sa bida sa movie. Magiging parte siya sa buhay nito lalo na sa masaya at malungkot na pagdadaanan ng buhay ng character nito sa said movie.
The story will pinch your hearts and will bring you a very touching message of how we should truly care for each other unconditionally despite our losses, reminding us how important our lives are.
At very thankful si Ysabella kay Direk Mark, at sa kanilang mga producer na MStudio at DJ ALVIN Film Productions also to Pure Garbage Films and Film Exposure headed by DJ Alvin.
Ilan pa sa cast members ng Mensahe ay sina Malayang Alagad (Kuya Bata), Nestor Nuñes Jr., Judy Flores, Ayel Alura, Kriz Teope, Sofia Trish Cidro, Jamaica Sabaña, Chrislet de Leon, Lyel Mahusay, Xyronie Ordoñez, Earth Raet, Athena Aurio, Scarlette Amero, and Myka Ayagen.
Tumutulong din pala si Ysabella at ang kanyang dear mom na si Ma’am Cris Myla sa promo ng movie, bilang suporta na rin ng young actress sa mga kasamahan sa movie na pawang mga naging kaibigan na rin niya.
Si Joseph Lim Navarrete, ang sumulat ng very inspiring na kwento ng MENSAHE na definitely is a must watch movie.