E-License Pangmatagalang Solusyon sa LTO 

HINIMOK ng isang solon ang Land Transportation Office (LTO) na matuto sa mga mistep nito at gamitin ang teknolohiya upang maiwasan ang mga katulad na pagkaantala sa hinaharap.

Kasunod ito ng desisyon ng LTO na pagtibayin ang rekomendasyon ni AGRI Partylist Rep. Wilbert T. Lee na awtomatikong palawigin ang bisa ng driver’s license sa loob ng 12 buwan dahil sa pagkaantala sa paglabas ng mga license card bunga ng temporary restraining order (TRO) na nagpahinto sa LTO sa paggamit ng 5.2 milyong plastic card.

“We are thankful that the LTO has adopted our suggestions, but let me be clear that this is only a temporary answer to something that requires permanent solutions,” pagdidiin ni Lee.

“Now that we have this extension in place, we urge the LTO and the DOTr (Department of Transportation) to adopt more viable long-term solutions that will make getting licenses more convenient for motorists.”

Binigyang diin ni Lee na sinimulan na ng LTO ang rollout ng electronic driver’s license (eDL) sa Land Transportation Management System (LTMS) portal bilang bahagi ng digitalization efforts ng ahensya.

“Tingin ko, dyan na dapat tayo papunta. By going digital we can avoid the procurement issues that constantly plague the LTO. We intend to file a bill that enables the use of digital driver’s license,” ani ng solon.

Sa pamamagitan ng pagkuha ng bentahe ng mga umiiral na teknolohiya, maaari umano silang mag isyu ng mga driver’s license nang mas mabilis at mas mahusay. 

Makatitipid aniya ito ng oras at pera hindi lamang para sa publiko sa pagmomotor, kundi pati na rin sa gobyerno.

Sa budget briefing ng DOTr, muling inulit ng Bicolano legislator ang kanyang mungkahi na dahil hawak ng TRO ang renewal ng driver’s license, dapat na awtomatikong palawigin ng isang taon ang mga expired na lisensya.

“Gamitin natin ang isang taon na extension na ito sa validity ng mga lisensya sa pag-address sa mga delay at backlog, pati na ng iba pang mga problema na hinaharap ng ahensya sa pag-issue ng driver’s license. Ang gobyerno, dapat tumutulong at nagseserbisyo, hindi nagdadala ng perhuwisyo,” paliwanag pa ng solon.

Kinumpirma ng mga opisyal ng LTO kay Lee at sa mga kapwa House Members na palalawigin ng ahensya ang bisa ng driver’s license ng isang taon.

Mula noong 2015, naiulat ng gobyerno ang pagkaantala at backlog sa pagbibigay ng mga lisensya dahil sa mga kasong legal na kinasasangkutan ng pagkuha ng mga license card.

Bilang tugon dito, inihain ni Lee noong Agosto 16 ang House Resolution No.1203 na humihimok sa DOTr LTO na awtomatikong palawigin ang bisa ng driver’s license ng mga apektado ng TRO. (RCD)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights