ISA sa lumalagong industriya sa mundo ang industriya ng online na pagtataya o online betting.
Sa pag-usbong ng teknolohiya at ng internet, marami ang nakikilahok sa pagtataya sa online bilang uri ng libangan at sa potensyal na pagkukunan ng kita rito, at upang malaman ang persepyon ng online betting sa Pilipinas, nagsagawa ng nationwide survey ang Capstone-Intel Corporation.
Isinagawa ang survey noong Mayo 1 hanggang Mayo 11, 2023 na mayroong 1,200 respondente mula sa 17 rehiyon. Kinabibilangan ito ng 51% kalalakihan at 49% kababaihan na may edad 18 hanggang 65 taong gulang. Lahat ng mga ito ay may kaalaman sa online betting.
Layunin ng pag-aaral na malaman ang kultura ng online betting ng mga Pilipino, kabilang ang lebel ng kanilang pakikilahok dito, mga rason sa pakikilahok, at halaga ng kanilang tinataya, at iba pa.
Ayon sa nakalap na datos, ang mga resulta ay nagpapahayag na 64% ng mga respondente ay nakikilahok sa online betting. Ang lebel ng kanilang pakikilahok ay nag-iiba base sa hanay ng kanilang mga edad, kung saan 66% ng respondenteng edad 18 hanggang 40 ay lumahok sa online betting, habang 57% na may edad 41 hanggang 55 ang lumahok sa aktibidad na ito.
Gayunman, ang mga respondenteng edad 46 hanggang 50, 56 hanggang 60, at karamihan sa edad 61 hanggang 65 ay hindi nakilahok sa online betting. Ang mga respondenteng edad 46-50, 56-60, at karamihan sa 61-65 ay hindi rin nakilahok dito.
Batay naman sa kasarian, mahigit sa 70% ng lalaking respondente ay nagpakita ng interes sa online betting, habang 58% naman sa mga babae.
Ayon pa sa pag-aaral, 773 respondente ang nakilahok sa online betting, 30% sa kanila ay nakikilahok ng dalawa hanggang tatlong beses kada linggo, 22% ang nasali isang beses kada buwan, at 20% ang nasali isang beses kada linggo.
Sa datos, sinasabing ang online betting ay isang nalagong industriya.
“One major contributor to its growth is the increasing accessibility and convenience of online platforms for betting. With the widespread availability of internet access, bettors can easily place their bets from anywhere, at any time, using their desktop or mobile devices,” ani Ella Kristina Domingo-Coronel, Research at Publications Director ng Capstone-Intel.
“Another factor contributing to the growth of online betting is the increasing legalization and regulation of this industry. Our governments have recognized the potential revenue that can be generated from online betting. This has led to a more secure and trustworthy environment for bettors,” dagdag pa niya.
Lumabas din sa pag-aaral, na lumalahok ang mga respondente sa iba’t ibang uri ng online betting, na 26% ang nasali sa e-casino, 26% sa online bingo, at 24% sa online gaming. Ang ilan sa mga higit na pinupuntahan ay ang online betting websites gaya ng eGames (38%), OKbet (25%), Bet88 (24%), at eSports Bet (20%).
Ayon sa resulta ng survey, ang pinakadahilan ng mga respondente sa kanilang pagsali sa online betting ay ang masubukan ang kanilang suwerte (39%) at makakuha ng mabilisang kita (32%).
Dagdag pa rito, 69% ng mga respondente ay nagastos ng mas mababa sa P1,000 sa pagtaya, habang 20% ang nagastos sa pagitan ng P1,001 at P3,000. Tanging 6% ng mga respondente ang nataya sa pagitan ng P3,001 at P5,000, habang 3% ang nataya sa pagitan ng P5,001 at P10,000.