TULOYang pagsulong at modernanisasyon sa Barangay Muzon, Taytay Rizal. Ito ang pagtiyak ni Kapitan Frank “Buboy” Santos, ang kasalukuyang ama ng nasabing barangay nang makapanayam ng national media kamakailan.
Si Kap Buboy ay maituturing na neophyte barangay chairman dahil ito ang una niyang termino subalit marami nang nagawa para kanyang ka-barangay.
Pinaka-challenging sa kaniyang panunungkulan ang pagtama ng COVID-19 pandemic kung saan nalampasan nila ang naging hamon ng lockdowns at naayudahan ng tama kasabay ang pagpapalakas ng kanilang health care system.
Sa unang pagsubok bilang ama ng barangay, naging maayos ang koordinasyon ni Kap Buboy sa Philippine National Police (PNP) kung saan tinagurian ang kanilang barangay na maliit bilang drug free.
Bagaman botohan na naman, tuloy sa pagsasaayos sa kaniyang barangay si Kap Buboy, katunayan nito, tumatalima siya sa flagship project ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na digitalization na bahagi ng modernization.
Pagdating sa health care system, ginamit din ni Kap Buboy ang kaniyang good public relations o magandang relasyon para palakasin ang kanilang Barangay Health Center habang tinutukan ang pagbili ng mga gamot para kabarangay na nangangailangan.
“Bukod po sa gamot, ambulance at rescue vehicles, may 10 oxygen tanks din tayo pinapahiram,” ayon kay Kap Buboy.
Pagdating naman sa ekonomiya, kahit maliit na barangay ay handang makipagsabayan ang Barangay Muzon dahil kumpiyansa siya na likas sa kaniyang mga ka-barangay ang kasipagan at mag-isip at magbanat ng buto para sa ikabubuhay.
Sa aspeto naman ng disaster response, sa katatapos na pagyanig sa Calaca City, Batangas kung saan naitala ang 5.0 magnitude quake na naramdaman ang Intensity 2 sa Brgy. Muzon, agarang nagbigay ng direktiba si Kap Buboy sa Brgy. DRRMO at Engineering Section na magsagawa ng building safety inspection sa mga eskwelahan at barangay hall upang masiguro na ligtas ang mga ito lalo na para sa mga estudyante’t mga guro.
Nakipag-coordinate na rin agad ang kanilang Brgy. DRRMO sa kanilang Lokal na Pamahalaan patungkol sa maaaring suspensiyon ng klase.