PINANGUNAHAN ni Makati Mayor Abby Binay ang isinagawang ceremonial distribution ng financial assistance na dinaluhan ng mga gobernador, alkalde at iba oang opisyal na kinatawan ng mga benepisyaryong LGUs.
Tinatayang nasa P47.5 milyon ang financial assistance para sa may 76 na lalawigan, lungsod at munisipalidad sa bansa na napinsala ng malakas na lindol, bagyo, at matinding pagbaha noong nakaraang taon.
Ayon kay Binay, kabilang sa mga tatanggap ang 40 local government units na tinamaan ng tropical cyclones Egay at Falcon noong Hulyo ng nakaraang taon, 17 LGUs ang matinding binaha dahil sa pinagsamang shear line at low pressure area noong Nobyembre, at 19 na lokalidad na apektado ng malakas na lindol noong Nobyembre at Disyembre.
“Makati understands the importance of extending a helping hand to our fellow Filipinos. In the face of adversity, it is imperative that we come together as a nation, united in our determination to provide relief and support to those in need,” pahayag ni Mayor Abby.
Ipinag utos ng alkalde ang paglalaan ng mga halaga na umaabot sa P250,000 hanggang P1 milyon para sa bawat LGU, depende sa tindi ng pinsalang natamo.
Muli din niyang inulit ang plano ng lungsod na mag alok ng satellite imaging service bilang bahagi ng tulong nito sa mga calamity hit localities, na kinikilala ang kahalagahan ng mabilis na pagtatasa sa lawak at kalubhaan ng pinsala sa apektadong lugar.
“Makati is ready to offer our expertise, resources, and support in any way possible to aid in the recovery and rebuilding efforts of affected LGUs. We stand ready to collaborate, listen, and lend a helping hand wherever it is needed,” saad ng mayora.
Umabot na sa P8,750,000 ang inilaan ng lungsod para sa 17 munisipalidad ng Northern Samar at Eastern Samar na apektado ng pinagsamang epekto ng shear line at low pressure area noong nakaraang Nobyembre, kabilang ang Catarman at Laoang na may P1 milyon bawat isa; Pambujan, Palapag, Mondragon at Dolores na may P750,000 bawat isa; San Roque, Las Navas, Catubig at Bobon na may P500,000 bawat isa; at Lapinig, Lope de Vega, Rosario, Silvino Lobos, Arteche, Jipapad at Oras na may P250,000 bawat isa.
Para sa 18 lokalidad sa Surigao del Sur na lubhang naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol noong nakaraang Disyembre 2, naglaan ang lungsod ng P12,500,000, para sa mga bayan ng Barobo, Bislig, Hinatuan, San Miguel, Tagbina, Tago at Tandag na may P1 milyon bawat isa; Carrascal, Lianga, Lingig na may P750,000 bawat isa; Cagwait, Cortes, Madrid, Marihatag at San Agustin na may P500,000 bawat isa; at Bayabas, Carmen at Lanuza na may P250,000 bawat isa
Naglaan na rin ng P250,000 ang lungsod para sa munisipalidad ng Glan sa Sarangani Province na tinamaan ng 6.8 magnitude na lindol noong nakaraang Nobyembre.
Nasa P26 milyon rin ang inilaan ng lungsod para sa 10 lalawigan at 30 lokalidad na nasalanta ng super typhoon Egay at Falcon. Ang mga Lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Abra, Apayao at Benguet ay tumanggap ng tig P1 milyon.
Kabilang sa mga tatanggap mula sa Ilocos Norte ang Laoag na may P750,000; Solsona, P500,000; Bacarra, Pagudpud, Paoay at Piddig na may P250,000 bawat isa; Binmaley sa Pangasinan ay tumanggap ng P1 milyon, habang sa Ilocos Sur, ang Vigan ay tumanggap ng P1 milyon; Cabugao at Caoayan, P500,000 bawat isa; at Cervantes, P250,000. Ang Baggao sa Cagayan ay tumanggap ng P250,000, habang sa Pampanga, ang Masantol at Minalin ay tumanggap ng P1 milyon; Santo Tomas, P750,000; at Mexico, P500,000. Mula Bataan, ang mga lokalidad ng Abucay, Mariveles at Samal ay tumanggap ng tig P1 milyon habang P500,000 naman sa Pilar.
Mula sa Abra, nagbigay ang lungsod ng P1 milyon sa Bangued; P500,000 sa Bucay; at P250,000 bawat isa sa Dolores, Manabo, Pilar, Sallapadan at Tayum. Mula sa Benguet, ang mga munisipalidad ng Atok, Kabayan at Kapangan ay tumanggap ng tig P250,000.
Nagmula ang tulong pinansyal sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund – Quick Response Fund ng aprubadong Executive Budget para sa taong kalendaryo 2023.
Samantala, patuloy naman ang pagbabahagi ng Makati ng kanilang mga educational resources sa iba’t ibang paaralan at komunidad na nangangailangan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (LB)