NAGPAALALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mananampalatayang Katoliko na sumasalamin ngayong Semana Santa.
Hinimok niya na huwag kalimutan ang esensya ng okasyon sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kabaitan at pagiging di makasarili lalo na sa mga di gaanong mapalad na Pilipino.
“In this solemn occasion, let us not only seek to unravel the mysteries of our faith, but also to illuminate the path for others through acts of kindness and selflessness,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang mensahe para sa Semana Santa.
Dalangin aniya ng Pangulong Marcos na mapagpakumbabang tanggapin ang tunay na sarili bilang mga di perpektong nilalang dahil sa pagiging tunay na tao umano mararanasan ang banal.
“Let us always remember to seek the Lord in our desires and to desire Him in our seeking,” dagdag ng Pangulong Marcos Jr.
Sinimulan ng mga mananampalatayang Pilipinong Katoliko sa buong mundo ang kanilang paggunita sa Semana Santa sa pamamagitan ng pagdalo sa mga misa sa Palm Sunday at iba pang aktibidad sa iba’t ibang simbahan.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang Holy Week ay paggunita sa pasyon, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesucristo, at araw upang pagnilayan ang maraming pagsubok ng mga mananampalatayang Katoliko.
“This hallowed time of contemplative silence behooves us to ponder on the mysteries that elude our grasp, seek revelation in the face of the inexplicable, and acknowledge the interplay of joy and sorrow in life so that we may understand the path laid before us by Almighty God,” pahayag pa niya.
Ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pag asa na hindi lang maalala ng mga mananampalatayang Katoliko ang kanilang naabot, kundi sa liwanag na nag alab sa puso ng lahat. (LB)