Mayor Honey, 3rd most trusted leader sa Metro Manila

Si Manila Mayor Honey Lacuna ang third most trusted leader sa Metro Manila, base sa pinakahuling survey ng Tangere na ginawa nitong April 2 hanggang 4, 2025.
Sinamahan niya sa tripecta sina Pasig Mayor Vico Sotto na siyang nanguna sa listahan na may 95 percent satisfaction and trust ratings, na sinundan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na may 81 percent satisfaction at 82 percent trust rating.

Pumangatlo si Lacuna na may 80 percent satisfaction at 81 percent trust ratings, na ayon sa ulat ay “built on her health care reforms that brought free dialysis treatment and round-the-clock emergency services to the city.”
“This is such a welcome development. We will use this piece of good news as an inspiration to continue delivering the best kind of services that Manila residents deserve and improve even further in our next term. Credit goes to all my co-workers in the city government who have been helping my administration reap so many awards and recognition,” saad ni Lacuna kasabay ng pagpapasalamat sa Tangere para sa survey.
Kinomplement ng survey ang Seal of Good Local Governance (SGLG) na kamakailan lang ay iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa administrasyon ni Lacuna.
‘Di lamang gumawa ng kasaysayan si Lacuna bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila, gumawa rin siya ng record bilang kauna-unahang alkalde na tumanggap SGLG sa loob ng mahigit 450 taon ng lungsod ng Maynila.
Ang tatlong nangunguna ay sinundan nina San Juan Mayor Francis Zamora, Muntinlupa Mayor Rufino Biazon, Taguig Mayor Lani Cayetano, Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, Makati Mayor Abby Binay, Pateros Mayor Miguel Ponce III at Caloocan Mayor Along Malapitan.
Sa nasabing survey, nabatid na ang transparency and accountability ay naging non-negotiable sa mga constituents, habang ang katiwalian at pagiging inutil sa trabaho o sa posisyon ay may kalakip ng masaklap na bungang pulitikal.
Binigyan ng survey ng highlights ang ilang critical trends na nagpapabago sa mukha ng pulitika sa Metro Manila, kung saan ang mga botante ay inuuna ang mahusay na pagbibigay ng pangunahing serbisyo na ginagawa ng isang opisyal kaysa sa political pedigree. Isang malaking concern din ang infrastructure, traffic management at waste disposal.
Ang nasabing survey ay gumamit ng mobile application sa mga respondents sa 17 local government units sa Metro Manila. Ang margin of error stands ay ±2.13 percent, habang ang confidence level ay nasa 95 percent. (MARISA SON)