Mga kinatawan ng LTO, PPA at PITX nagpaalala sa mga pasahero ngayong Semana Santa

NAGBIGAY ng kani-kanilang update at mga mahahalagang paalala sina Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, Philippine Port Authority (PPA) Spokesperson Eunice Samonte at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Spokesperson Jason Salvador, sa mga pasahero bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga bibiyahe ngayong Semana Santa. 
 
Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay media forum sa Cafe Adriatico Malate, Manila, sinabi ng tatlo na dapat umanong matiyak na ligtas at walang problema sa paglalakbay ng mga pasahero papunta sa kanilang mga probinsiya upang magbakasyon ngayong Holy Week.  (BONG SON)
Verified by MonsterInsights