(by: H M Vera)
Nagpahayag ng kumpiyansa si Kalihim Jose Rizalino L. Acuzar ng Department of Housing and Urban Development (DHSUD) na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay mabilis na makapaghahatid ng dagdag-pabahay sa estilong condominium na may mga makabagong pasilidad. Parehong nagbigay ng direktiba sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Secretary Acuzar para sa mabilis na pagpapatupad ng mga proyektong pabahay sa buong bansa. Ang kabuuang target na 3.2 milyong housing units ay malaki ang tsansa na maisakatuparan sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa taong 2028.
Ayon kay Secretary Acuzar, sa ilalim ng programang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH), mararanasan ng mga benepisyaryo ang “condominium living” na kumpleto sa mga modernong pasilidad at amenities. Layon ng administrasyong Marcos ang paghahatid hindi lamang ng mga abot-kayang tahanan kundi pati na rin ang makapagbigay ng mga pangangailangang gaya ng kuryente, tubig, internet, ganundin ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, parke, palaruan, swimming pool, clubhouse, basketball court. Binibigyang-halaga ng programa pati ang iba pang mahahalagang sangkap ng ligtas at maalwang kalagayan sa komunidad. Dahil sa konsepto ng “township development” bilang bahagi ng programang 4PH, maaari ding may mga malalagyan ng amenities na kagaya ng mga komersiyal na establisimyento, ospital, institusyong pang-edukasyon, paradahan ng mga sasakyang pantransportasyon at iba pang mga pasilidad.
Ang administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. ay nakatuon hindi lamang sa pagtugon sa malaking kakulangan sa pabahay kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino na nasa mga “marginalized” na komunidad. Kasama rin sa 4PH Program ng administrasyon ang konsepto ng “township development.”
Ang mga benepisyaryo ng 4PH ay hindi lamang mga ISF—mga pamilyang “informal settler”– kundi na mga may mga miyembro ng pamilya na may trabaho ngunit nangungupahan o naninirahan sa hindi komportable na mga tirahan o nasa malalayong tahanan, o kung hindi, nakatira sa hindi ligtas na mga komunidad.
Ang programang 4PH ay tutulong sa mga benepisyaryo upang mapagaan ang pagbabayad ng amortisasyon ng mga pabahay na itinayo para sa kanila.
Nagsimula na sa mga lokasyon sa iba’t ibang panig ng bansa ang konstruksiyon ng mga pabahay na condominium. May mga proyektong pabahay na alinsunod sa “vertical construction” sa marami nang panig ng ating bansa—mula sa Ilocos sa hilagang bahagi ng Pilipinas hanggang sa timog na bahagi ng Pilipinas: ang proyekyong nasa Zamboanga sa Mindanao.
Mayroon nang mga 4PH na proyekto sa mga sumusunod na lugar: Bataan, Pampanga, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Albay, Palawan, Misamis Oriental, Camarines Sur, Negros Occidental, Cebu, Iloilo, Capiz, Bohol, at iba pa. Nasa iba’t ibang stages ang mga proyekto sa ilang lugar sa Pampanga: Crystal Peak States sa Barangay Del Carmen; Barangay Mandasig, Candaba; at Barangay Sta. Maria, Minalin.
Ang paggawad ng mga housing units sa kauna-unahang pangkat ng mga benepisyaryo ng 4PH ay ginawa sa Palayan City Township Project na matatagpuan sa Brgy. Batia, Palayan City, Nueva Ecija. Ang pagtatayo ng mga karagdagang pabahay sa lugar ng proyekto ay isinasagawa pa rin.
Mayroon ding mga proyektong nasa Metro Manila. Kabilang sa mga ito ay ang pabahay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng National Housing Authority (NHA) at Social Housing Finance Corporation (SHFC) para sa mga nangangailangan ng maayos na pabahay sa Intramuros, Manila. Ang Pag-IBIG Fund End-User Home Financing Program ang gagamitin para dito upang mabayaran ng mga benepisyaryo ang mga socialized housing units na pabahay para sa kanila.
Bukod sa Pag-IBIG Fund, ang National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), ayon sa President/CEO nito na si Renato De Leon
Tobias, ay mayroon ding nakahandang financial assistance para sa 4PH Program ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Kasali sa mandato nito ang pag-aalok ng housing loans para sa mga nangagailangan ng pabahay. Nakapaloob sa website nito ang vision na ito:
“Every Filipino needs a home and should never take long…”
Para sa karagdagang impormasyon at sa inyong mga katanungan, narito ang link sa opisyal na website ng Pag-IBIG Fund at NHMFC: