
Last November 20 (Monday) ay ginanap sa Mall of Asia Arena ang mala Big Fans Day na Closer To You, Fun Fan Meet ng star ng “One Piece” sa Netflix na si Mackenyu. At dahil maaga kami sa venue para mag-cover ng event, ay nasaksihan namin ang pagdagsa ng fans ni Mackenyu na nanggaling pa sa iba’t-ibang lugar.
Paglabas pa lang ng stage ni Mackenyu ay sobrang lakas na ng hiyawan at palakpakan, halos mabingi ka sa sigaw ng fans, na kilig na kilig sa idol nilang japanese matinee idol.
Kami nga mismo ay na-inlove sa kagwapuhan at lakas ng sex appeal ni Mackenyu. Mas marami pa nga ang kinilig sa Q & A portion na si Denise Laurel ang host, lalo na sa challenge ni Denise kay Mackenyu na tagalugin ang mga salitang english tulad ng I LOVE YOU, TAKE CARE, YUMMY O DELICIOUS, HANDSOME, etc. Walang backle na nabigkas lahat ng maayos ni Mackenyu ang mga tagalog translation na ikinatuwa ng lahat ng mga nagpunta sa nasabing event.
Alam niyo ba na ang favorite pala ni Mackenyu at love na love niyang kaininin ay ang popular na pinoy food na adobo. He also love to visit Boracay dahil mahilig raw siya sa beach.
Nagkaroon din ng bag raid na first time raw ginawa ni Mackenyu.
Yes, very kind and humble ito kaya lahat ng request sa kanya ni Denise ay kanyang ginawa.
Ano-ano ang laman ng branded bag ni Mackenyu? Well, first ang susi ng kanyang bahay sa Japan, cellphone, passport at 1,000 peso bill.
Labis-labis ang pasasalamat ni Mackenyu sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Pinoy fans. At ayon pa sa kanya ay mas malawak ang fan base niya sa Philippines kaysa sa sariling bansa na Japan.
Sumikat ng husto ang pangalan ni Mackenyu ng bumida siya sa hit action TV series sa Netflix na “ONE PIECE” kung saan gumanap bilang si Roronoa Zoro at naging instant favorite rin siya ng bata dahil sa nagmarkang character.
Aside from acting, ay isa ring musician si Mackenyu at mahusay siyang mag-play ng Piano. He also plays saxophone and flute. He is multi-talented.
Ang nasabing first official fan meeting ni Mackenyu ay hatid ng LUXE SKIN at LUXE SLIM & MEDIAKING.
At dahil birthday ni Mackenyu ay sinorpresa siya ng MediaKing at may pa-cake ang mga ito sa kanya na labis ikinatuwa ng hunk japanese actor.
Dumating ito ng Pinas last November 17 para sa dalawang event una ang ManiPopCon at itong sa MOA na Closer To You Fun Fan Meet.
Ilan sa mga celebrity namataan na nanood kay Mackenyu na super fan rin ng super poging actor ay sina Regine Tolentino at Dani Barretto.
By the way bago ang proper event ay nagkaroon ng pa-contest at lahat ng sumali ay nakatanggap ng LUXE SKIN and SLIM give aways.
***************
Mommy Flor Santos, Napaiyak Sa Sobrang Proud Kay LA At Sa Movie Nitong “IN HIS MOTHER’S EYES”

Maliban sa bumaha ng pagkain sa Grand Mediacon ng “In His Mother’s Eyes” na dinaluhan ng buong cast led by Diamond Star Maricel Soriano, LA Santos and Roderick Paulate, bumaha rin ng luha sa mga kwento ng magkaibigang Maricel at Roderick tungkol sa namayapa nilang mga ina.
Marami rin ang na-carried away at nangilid ang luha sa 100 na invited entertainment press and vloggers nang magsalita si Madam Flor, na producer ng In His Mother’s Eyes sa pag-aari nitong 7K Entertainment, tungkol kay binatang si LA at kanilang pelikula.
Aminado si Madam Flor na umasa silang makakapasok sa MMFF 2023 ang In His Mother’s Eyes kasi nga naman mga big star ang bida at quality talaga ang family drama movie nilang ito na dinirek ng mahusay at dekalibreng TV director na si FM Reyes. Kaya sobrang na-depressed talaga siya (Madam Flor) ng hindi sila pinalad sa Festival.
Pero feeling naman nila ng kanyang team sa 7K Entertainment at ni LA ay blessing in disguised na mas mapapaaga ang kanilang showing this Nov. 29, Wednesday na ‘di na kailangan pang mag-antay ng Pasko para mapanood ito.
Well para sa amin, kawalan ng MMFF 2023 ang In His Mother’s Eyes sa Festival.
Samantala may i-shinare si Madam Flor sa presscon kay LA.
“May ise-share lang ako nung nakita ko ‘yung hardwork ni LA (sa pelikula), sabi ko (sarili) sana mabigyan ng chance at may nagsabi na walang ibang pwedeng gumanap bilang ina kundi si Marya (Maricel Soriano) kasi galing sa puso. (Bilang) isang nanay gusto kong maipakita kung ano ang kakayahan ng mga anak ko hindi dahil sa akin kundi dahil sa kung anong mayroon sila,” sambit pa ni Madam Flor.
Labis-labis pala ang pasasalamat ng said lady producer na suportado ng mga kilalang artista ang first produced movie ng anak na si LA. Tinulungan daw siya ni JRB o Ms. Julie Anne Benitez at iba pang executive ng ABS-CBN hanggang sa nabuo ang kanilang cast sa pangunguna nga nina Maricel, Roderick, Maila Gumila, Ruby Ruiz, Ogie Diaz, at mga bagets cast na sina Elyson de Dios, Vivoree, Beauty Queen Reign Parani, Inah Evans, Nolo Lopez, Bong Gonzales at Skylee Alcalde.
Very thankful rin si Madam Flor sa positive reviews sa acting at performance ni LA na anak ni Maricel na isang autistic.