
Ngayong confirmed ng mapapanood sa GMA 7 simula April 6 (Sabado) ang “IT’S SHOWTIME” ay mas lalong magiging matindi ang labanan nila ng “EAT BULAGA” sa rating game.

Kung yung nasa GTV 11 nga lang ang It’s Showtime ay nakaka-score sila sa Bulaga ng TV 5, whatmore ngayon nasa Siyete na sila na compared to TV 5 ay mas wide ang viewership nito.
Tiyak na magiging mahigpit talaga ang sagupaan ng dalawang malalaking noontime show. Kaya dapat ay mag-triple effort pareho ang mga ito nang walang maiwan sa kanila sa pansitan.
Actually sa panahon ngayon ay hindi na gaanong nanonood ang mga tao sa TV. Mas komportable ang maraming pinoy na manood ng paborito nilang noontime show sa Youtube. Dati pumapalo sa 17% ang rating ng Eat Bulaga at 12 to 14% naman ang Showtime. Ngayon ay maswerte na ang EB kapag nakakakuha sila ng 6 percent na rating at 4.5% naman sa katapat na Showtime.
By the way, as I’ved heard ay may ipapasok raw ang Kapuso Network na mga artista nila sa It’s Showtime.
Well let’s wait and see kung sino-sino sa mga Sparkle talents ang makakasama nga sa show na frontliner si Vice Ganda.
LA Recording Artist & Chime TV Host Jules Graeser Interviews Marvel Internet Personality Anthony Francisco

Padami nang padami ang viewers and followers ng LA-based Recording Artist na si Jules Graeser sa informative talk show na “A Look Into Our America” sa Chime TV.
Actually majority ng mga nakakausap ko ay avid viewers ni Jules. Sa latest episode ng kanyang show ay guest ni Jules ang kilalang internet personality na si Anthony Francisco, former Senior Designer ng Marvel Studios and Director of Creative Development.
Ang said episode ay tumatalakay sa magical world ni Anthony sa Marvel Studios kung saan naging parte siya ng mga design na Baby Groot, Teen Groot, Okoye, Namor, Dora etc na itinuturing ng mga iconic.
Ang ganda ng conversation nina Jules at Anthony at tiyak na magbibigay inspirasyon ito sa mga talented nating pinoy visual artist. Mapapanood ang episode na ito sa CHIME TV Worldwide.
Yes, tulad ni Jules Graeser, Anthony Francisco is also a PINOY PRIDE.