LEE SA DA: TUMULONG SA PAGBABAWAS NG DIABETES SA BANSA

HINIMOK ni AGRI Party list Rep. Wilbert T. Lee ang Department of Agriculture (DA) na makipagtulungan sa International Rice Research Institute (IRRI) na pabilisin ang paglabas ng ultra-low glycemic index (GI) at protein-rich variety ng bigas sa mga magsasakang Pilipino.

Ayon kay Lee, malaking tulong sa pagbabawas ng mga kaso ng diabetes mellitus sa bansa ang pag mainstream ng produksyon ng iba’t ibang uri ng bigas na ito. 

“Hindi naman po kaila sa atin na ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang consumer ng bigas sa buong mundo. At dahil tila permanenteng parte na ng ating pagkain ang kanin, hindi maikakaila ang koneksyon nito sa dami ng may diabetes sa bansa,” sabi ni Lee.

Batay sa pinakahuling datos mula sa International Diabetes Federation kung saan miyembro ang Philippine College of Endocrinology, Diabetes and Metabolism, mula sa kabuuang adult population na 66,754,400 sa Pilipinas noong 2021, may kabuuang 4,303,899 kaso ng diabetes ang naitala, katumbas ng 6.44 porsiyento.

Dagdag pa rito, noong 2023, naitala ang mga pagkamatay sa Pilipinas dahil sa diabetes mellitus sa 14,416 kaso, o 6.2 porsiyento share, kaya ito ang ikaapat na nangungunang sanhi ng kamatayan sa bansa. 

Layunin ng IRRI na maipakilala ang ultra low GI, high protein rice variety sa taong 2025. 

Ayon sa research institute, sinimulan na ang multi location trial para dito sa mahigit 10 lalawigan sa buong bansa.

 Isang ranggo ng mga pagkain ang glycemic index na naglalaman ng carbohydrate batay sa kung gaano kabagal o kabilis na natutunaw ang mga ito at dagdagan ang mga antas ng glucose sa dugo, na may purong asukal na may marka ng 100.

 Ayon sa IRRI, inaasahan nilang mas maraming magsasaka ng palay ang magtatanim ng ganitong variety sa sandaling matukoy ng mga pagsubok ang target market. 

Base sa mga siyentipiko ng IRRI, ang presyo ng pinaka mababang GI, ang mataas na protina bigas ay magiging pareho sa normal na bigas na magagamit sa mga merkado.

Ayon kay Lee, tiyak na makakahanap ng paraan ang DA para mapabilis at mapalawak ang mga pagsubok, na nagsasabing “kapag napabilis natin ang pag-distribute ng variety ng bigas na ito sa ating mga magsasaka, mas mapapabilis din ang pagma-mainstream nito sa merkado. “

“Kapag mas may access at nagawa pa nating mas abot-kaya sa Pilipino ang ganitong klase ng bigas, mas marami ang matutulungan nating makaiwas o mabawasan ang alalahanin sa mga chronic disease tulad ng diabetes at kaugnay nitong mga sakit,” ani Lee. 

“Dahil sinasabi rin ng mga eksperto na mas mabilis tayong makakaramdam ng pagkabusog sa bigas na ito, mas kaunti rin ang ikokonsumo natin. Bawas na sa pangamba sa sakit, bawas pa sa gastos. Winner Tayo Lahat sa bagong uri at mas healthy na bigas na ito,” dagdag pa ng solon. (LB) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights