KAYA NIPAG-BREAK, KRIS AYAW MAKA-ABALA KAY MARK LEVISTE

Base sa aming nababasa ay super tiyaga at kayang magpaka-martir ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste para sa pag-ibig niya kay Kris Aquino. 

Kaya nitong magsakripisyo para mabantayan ang matagal ng may karamdamang girlfriend na si Kris Aquino na animo’y ginagawa lang niyang Quiapo ang pagtungo sa Los Angeles, California kung saan naroroon si Kris. 

Ganyan talaga ang tunay at wagas na pag-ibig, gagawin mo ang lahat para sa iyong minamahal, katulad ni Mark kay Kris, na lalo pa raw lumala ang kondisyon dahil sa auto immune disease nito. 

Kaya minabuti na ni Kris na makipaghiwalay na lang kay Mark at nahihiya na raw siya at ayaw niyang makaabala pa siya sa trabaho nito bilang politiko, maging sa dalawang anak nito na kailangan ng kalinga ng kanilang daddy. 

At para naman sa actress-TV host, ayos na sa kanya na ang mga anak na sina Josh at Bimby ang kasama niya sa mga pinagdadaanang matinding pagsubok. 

But as we heard, ay ayaw raw pumayag ni Mark sa hinihiling na break-up ng siyotang si Kris lalo’t 14 years na niyang minamahal ang Queen of All Media. 

Well.

RN SA MANHATTAN NEW YORK NA SI ERLINDA REBLANDO, KAPURI-PURI ANG KABAITAN 

Sa tagal na panahon na pagba-vlog ng inyong columnist, ay alam na namin kung sino ang mga nagmamahal sa amin ng totoo at supportive rin. 

One of them is my good friend na si Ma’am Erlinda Reblando na isang Registered Nurse, bagaman matagal ng nagretiro sa kanyang trabaho sa ilang hospital sa New York City. Ngayon ay kasama na mga kasosyong kaibigan, nagmamay-ari na si Erlinda ng kilalang HOSPICE sa Houston, Texas. 

Pinagpapala ng Panginoon ang aming bff na si Ma’am Erlinda at likas na siyang matulungin. 

Yes matagumpay ang kanilang nasabing Hospice at marami ang nagtitiwala sa kanila na doon manatili ang mga kapamilya at mahal sa buhay na inaalagaan ng kanilang Care Homes. 

Simple lang si Ma’am Erlinda na ilan sa mga kaibigan sa college ay belong sa Rich  Asians. 

Ang hobby lang nito ay dumalo sa mga social events at bonding with her friends sa five star hotel, and kapag may time ay watching movie. 

Also madalas rin ang bonding nila ng kanyang sister na si Ma’am Soie na registered nurse at retired na rin. Sa favorite resto ng magkapatid sila madalas magkasama, ganyan ang closeness ng magkapatid. Nagdadamayan sila sa isa’t-isa. Pareho silang nakatira sa Manhattan. 

Single pala itong si Ma’am Erlinda na ang goal sa buhay ay makapagpasaya ng kapwa at i-enjoy lang ang buhay. Yung positive outlook niya sa life ay aming na-imbibe, kaya naman gumagaan lagi ang aming pakiramdam lalo na sa hamon ng buhay. 

Sana marami pang katulad ni Ma’am Erlinda sa mundong ito na marunong makipag kapwa at share ng kanilang blessing. 

Isa pala sa college friend, ng friendship naming ito, na very loving and sweet ay kakilala si Kris Aquino. (PETER LEDESMA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights