Three-Term Councilor Manguerra tatakbong alkalde sa Pasay City; kompyansa na maitataas pa ang antas ng serbisyo sa lungsod

NAGHAIN ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) sa huling araw ng filing nitong Martes, Oktubre 8, si three-term Councilor Edith “Wowee” Manguerra upang opisyal na ianunsyo ang kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Pasay City, kasunod ng panawagang pagbabago at tunay na serbisyo sa nasabing lungsod.

Si Pasay City Mayoralty candidate Edith “Wowee” Manguerra kasama ang kapatid na si Baby So at mga supporter. (BONG SON)

Kasama na nagfile ni Maguerra  ang kapatid nya na si Baby So na tatakbo naman bilang konsehal sa ilalim ng Aksyon Demokratiko party.

Sa pagdedeklara ng kanyang kandidatura sinabi ni Manguerra na hindi lamang trabaho o tungkulin para sa kanya ang pagsisilbi sa kapwa, kundi isa itong misyon. 

“Likas po sa akin ang malasakit, at sa bawat pagkakataon na may kailangan ang ating mga kababayan, lagi akong handang tumugon. Ang bawat sulok ng Pasay ay tahanan ko, at ang bawat mamamayan dito ay aking pamilya. Kaya’t bilang Alkalde, nais kong ibuhos ang lahat ng aking lakas, kaalaman, at panahon para mapabuti ang buhay ng bawat isa sa inyo”pahayag ni Manguerra.

Partikular umanong isusulong ni Manguerra ang pagkakaroon ng matatag na check and balance sa lokal na pamahalaan,.

“Napakahalaga po na may sapat na check and balance sa bawat antas ng pamahalaan. Kailangan natin ng pamahalaang bukas, tapat, at may pananagutan—isang sistema kung saan walang abuso sa kapangyarihan at lahat ng desisyon ay para sa kapakanan ng mga mamamayan” giit ni Manguerra.

Binigyang-diin ni Maguerra na tumakbo siya bilang akalde dahil lubos ang kanyang paniniwala na kayang-kayang  itaas ang antas ng serbisyo para sa mga residente ng Pasay.

“With a focus on community development and enhanced public services, I am committed to implementing initiatives that will foster growth and elevate the quality of life for our residents,” paliwanag nito.

Nanawagan si Manguerra sa buong lungsod na magkaisa at suportahan ang kandidato na tunay na may pangarap at kakayagang maglingkod.

Aniya, malaki ang ikauunlad ng Pasay City subalit dapat umanong piliin ang tamang lider. (BONG SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights