Text Scammer Madali Nang Mahuhuli Dahil sa SIM na Gamit Nito

PINAYUHAN ni Senadora Grace Poe ang ating otoridad na ito na ang panahon at pagkakataon upang mahuli ang mga scammer na nambibiktima ng publiko, sa pamamagitan ng subcriber identify module (SIM) mobiles phones.

Umaasa aniya si Poe na wala nang dahilan pa ang mga scammer upang hindi mahuli at mapanagot, ngayong tapos na ang nakatakdang deadline sa pagpaparehistro ng SIM nitong Martes, Hulyo 25.

“The end of SIM registration signals the beginning of intensified crackdown on mobile phone scammers,” ani  Poe na siya ding may-akda at sponsor  ng  Republic Act 11934 o kilala din sa tawag na SIM Registration Act.

Dahil dito, hinahamon ni Poe ang law enforcers na maipakita kung paano masasampulan ang mga lumalabag sa SIM Registration Law.

Bukod dito sinabi ni Poe, na Chairman din ng Senate committee on public services, na magiging mas madali na para sa Philippine National Police (PNP) at concerned enforcement agencies na magkaroon ng mekanismo at makakuha ng tama at sapat na impormasyon para sa kanilang monitoring kaugnay sa mga krimen na nagaganap na may kaugnayan sa SIM.

“Hindi na mangangapa sa dilim ang PNP kapag may nag-report ng text scam. Kaakibat nito, inaasahan natin ang mabilis na pagresponde sa mga sumbong para mapanatag naman ang ating mga kababayan,” giit ni  Poe.

Layunin talaga ng batas na wakasan na ang lahat ng uri ng text scam kung kaya’t obligado ang lahat na irehitsro ang kanilang mga SIM.

Sa ilalim din ng batas ay inoobliga ang lahat ng telecommunications providers na magsumite ng mga verified list ng kanilang authorized dealers at agents nationwide sa National Telecommunications Commission at magsagawa ng update ng listahan kada quarter ng bawat taon.

Tiniyak naman ni Poe sa publiko na mayroong kaakibat na proteksyon ang lahat para sa right of privacy ng naturang batas na pagpaparehistro ng SIM.

Inaasahang sisimulan na ng pamahalaan ang pagpapatupad ng deactivating para sa unregistered mobile numbers na kung saan ay magreresulta ng kawalan ng mobile services  katulad ng pagtawag, data at text, maliban na lamang kung kanilang ipapa-reactivate ang kanilang SIM.

Nanawagan din si Poe sa mga telcos na patuloy tulungan ang mga legitimate mobile users na nangangailangan ng tulong para sa pag reactivate ng kanilang SIM.

“We must give chance to those who only lacked the means to register while denying those who have vile motives,” dagdag ni Poe. (NINO ACLAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights