Lovi Poe, lumagay na sa tahimik kasama ang isang Briton

Unahin muna natin ang himutok ng isang kasamahan sa hanapbuhay na nakakaranas ng di-makatarungang sitwasyon.

            Maraming bagay ang nagbibigay kulay sa media industriya pero mas maraming nagbibibigay isyu sa mga pinagdadaanan ng mga writer sa likod ng camera.

          Napatunayan ito ng isang dating writer/ publicist na ngayon ay freelancer status at may-ari ng nagsisimulang negosyo na hindi pa maka-alagwa ng husto.

          Hindi raw n’ya inaasahan na marupok ang sistema ng pagsuporta sa mga writers na parang napapariwara sa oras na lumabas o nagpahinga sa industriya para mag-pokus sa ibang aspeto ng kanilang personal life at career.

          Ang kaso, napakalakas pala ng diskriminasyon sa mga media practitioners na nagaganap maging sa barangay level kung saan, kapag nalaman na dating dyarista o nagsusulat sa diyaryo ay sari-sari ng pang-iintriga at pang-eestima kung ano ang “k” maging media para mapadpad sa kanilang lugar o estado ng pamumuhay. Manilenya ang dating writer at ngayon ay nasa syudad kung saan maraming mai-impluwensyang negosyante ang namamayagpag sa bansa.

            Hindi naman sa pagmamalaki pero hindi naman pinulot lamang sa kalsada ang pinaghusayan ng manunulat. Ang problema, masyado raw mataas ang kampihan at pang-gigisa at pang-memenos na pagtrato sa kanilang lugar lalo na kung malaman na galing sa media o may kamag-anak na celebrity o me pangalan ang pinang-galingan.

            Humihingi ang writer na hindi naman mahiyain humingi ng tulong, na maging patas ang lahat sa mga media man, ito man ay aktibo o hindi.

            Hindi naman kahinaan at pagkakamali ang piliin na maging nanay o tutukan ang pansariling pribadong buhay. Pero dahil sa pangyayari, nakakapag-tanda ang nasabing media writer na bumalik at ayusin ang perspektibo ng iilan sa kanilang diskriminasyon sa mga people in media.

            Patas na pagtingin kahit na hindi sumasalok ng pera o suweldo ang kanyang dating propesyon, ang hinihingi ng nasabing media na ang pinapatungkulan ay tila nagkukuntsabahan na mga maiimpluwensyang negosyante sa kanilang lugar para sya maliitin, sa ang kanyang pagiging dating mediaman.

*********

Samantala, tuluyan nang lumagay sa tahimik ang aktres na si Lovi Poe kamakailan.

            At hindi siya sa Pilipinas nagpakasal kundi sa United Kingdom.

            Nakatagpo na nga si Lovi ng lalaking kanyang mamahalin habang buhay at ito ay walang iba kundi si Monty Blencow.

            Sa matulaing Cliveden House sa Berkshire, London nagpatali ng puso si Poe kay Monty.

            Ang tanong ay babalik pa kaya sa showbiz pagkatapos niyang magpakasal.

            Di ba’t napakalayo pa naman ng UK sa Pilipinas?

Kasabay ng pagpapakasal ni Lovi ay ang pagkakahalal naman kay Michelle Nikki Junia bilang bagong pangulo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o Cultural Center of the Philippines (CCP).

            Si Michelle ay matagal nang miyembro ng Board of Trustees ng CCP at nang si Margarita Moran-Floirendo, ang 1973 Miss Universe, ay kailangan nang bigyang-daan ang iba pang namamuno ng ahensiya, si Nikki ang ibinoto ng kapwa niya kasapi ng Lupon.

            Si Junia ay isa ring ad interim president tulad ni Margie Moran na hindi itinalaga ng Bongbong Marcos. (Images by: BOY VILLASANTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights