JILLIAN WARD, MAGIGING BAGONG REYNA SA GMA-7

MALAKI ang tiwala at suporta ng GMA-7 sa movie career ni Jillian Ward, dahil mula sa pagiging child star nito noon, hanggang ngayon na dalaga na ito, ay sobra ang pagmamahal nito sa kanyang trabaho bilang artista.

Mula sa pagganap noon ni Jillian bilang bida sa teleseryeng “Trudis Liit” ay hind nababakante ang ang young actress sa paglabas sa telebisyon at pelikula, kaya nagmarka talaga sa mga manonood ang kanyang pangalan.

Ngayong dalaga na si Jillian ay patok sa masa ang pinagbibidahan niyang teleseryeng “Abot-Kamay Na Pangarap” na nagtatagal na sa ere at patuloy na mataas ang rating nito.

Bilang pagpapahalaga ng Kapuso Network sa kakayahan at kasikatan ni Jillian ay ibinigay sa kanya ang bansag na: The Syar Of The New Gen.

Para tuluyan pang pasikatin si Jillia ay madaling diskartehan ng GMA-7 ang career nito. Unang nagustuhan ng Siyete ang sistema ng young actress, ay ang pagiging madisiplina nito sa career.

Hindi pa pumapayag ang mommy ni Jillian na siya ay paligawan o makipagrelasyon sa mga lalaking pumoporma ng ligaw sa young actress.

Pero sa totoo lang, ang disiplina ay nanggagaling mismo kay Jillian.

Si Jillian mismo ang unang umaayaw pa na magpaligaw. Para sa kanya, hindi pa ito ang tamang panahon para siya ay magpaligaw, at wala ring dahilan para magmadali siya na magkaroon ng lovelife.

–o(O)o–

RYAN AGONCILLO, NATUPAD ANG PANGAKO SA MGA FANS NI JUDY ANN SANTOS

MASAYA ang mga fans ni Judy Ann Santos dahil natupad ni Ryan Agoncillo ang pangako ng guwapong TV host sa kanila noon, na mamahalin talaga nito ang mahusay na aktres.

Sa showbiz ay hinahangaan ang relasyon ng mag-asawang Judy Ann at Ryan, dahil sa halos perpekto nilang pagmamahalan, hanggang ngayon na mayroon na silang mga anak, na sina Yohan, Lucho at Luna.

Ang nakikita at hinahangaan ng kapwa nila mga artista kina Judy Ann at Ryan ay ang maganda nilang pagsusunuran at respetuhan bilang mag-asawa.

Si Judy Ann noon hanggang ngayon ay sobrang mapagmahal sa kanyang mga fans. Iyon ang isa sa sekreto ng nagtagal at patuloy pang kasikatan ni Juday sa showbiz, maganda ang pagtrato niya sa kanyang mga tagahanga.

Bilang pagmamahal sa kanilang idolo ay direkta silang nagpahayag noon kay Ryan na kung sila ni Judy Ann ang magkatuluyan ay ingatan at pakamahalin sana nito ang mahusay na aktres. Sunusuportahan din kasi si Ryan ng mga fans ni Juday.

Kung masaya ngayon ang mga fans ni Judy Ann ay mas higit si Ryan. Dahil sa pangako niyang iyon sa mga fans, ay nakabuo siya ngayon ng isang napakasayang pamilya na hinahangaan sa showbiz.

–o(O)o–

VINCE TAÑADA HINDI LANG AKTOR, PRODUCER AT DIREKTOR

MAGANDA ang layunin ni Attorney Vince Tanada sa showbiz. Iyon ay ang sa munti niyang pamamaraan at kakayahan ay makapag-ambag din ng kakaibang sining at sistema na matatandaan ng mga tao sa movie industry.

Si Vince ay isang mahusay na movie director, movie producer at aktor. Pero kaugnay nito ay aktibo na rin siya sa pagma-manage ng mga artista sa pamamagitan ng Vince Tanada Artist Management.

Kamakailan ay ipinakilala ng kanyang talent management ang 35 mga talentado niyang mga inaalagaang mga baguhan at mga datihang mahuhusay na nag-aartista, kasama na roon ang magaling na komedyante at TV host na si Donita Nose.

Isa sa nakakatuwang ugali ni Vince sa pagma-manage ng mga talents ay hindi muna siya nakatutok sa magiging komisyon na kikitain, instead ay sa paghubog muna ng mga talento ng kanyang mga Alaga.

“Bilang talent manager, hindi ko sinasabing hindi ako kukuha ng komisyon. Pero sa ngayon, talento muna ang gusto kong maging tatak ng mga alaga kong artista,” wika ni Direk Vince. (BONGGA! by Melchor Bautista)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights