Mahigit 13K delivery riders miyembro na ng Pag-IBIG

NASA 13,128 na ang mga delivery driver at riders ang nagrehistro bilang mga miyembro ng Pag-IBIG at nagtatamasa na ngayon ng mga benepisyo ng ahensya, sa loob lamang ng tatlong buwan mula nang pumasok ang Pag-IBIG Fund sa pakikipagsosyo sa mga nangungunang transport network sa bansa upang mas mabigyan ng access ang mga miyembro nito.

“Lubos kaming natutuwa na ang dumaraming bilang ng mga delivery riders ay bahagi na ngayon ng mahigit 15.6 milyong aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund. Bilang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, mayroon na silang ligtas na ipon at magkakaroon ng access sa aming mga pautang sa bahay na abot-kaya. Ito ay alinsunod sa ating pagsisikap na mabigyan ng inclusive housing ang lahat ng manggagawang Pilipino sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pabahay ng Pilipino o 4PH Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.,” ani Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11 miyembro ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

(We are very happy that a growing number of delivery riders are now part of the more than 15.6 million active members of Pag-IBIG Fund. As members of Pag-IBIG Fund,they now have secure savings and shall gain access to our affordablehome loans. This is in line with our efforts to provide inclusive housing to all Filipino workers under the Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing or 4PH Program of President Ferdinand R. Marcos, Jr.)

Sa pagsisimula ng taong ito, nakipagtulungan ang Pag-IBIG Fund sa mga courier company na nakabase sa transport network at app na Angkas, Foodpanda, Grab, Lalamove at Pick-A-Roo. 

Sa mga partnership, mas nabibigyan ng access ang mga delivery riders sa pagiging miyembro ng Pag-IBIG Fund upang matamasa nila ang mga benepisyo ng ahensya na kinabibilangan ng Regular at MP2 Savings nito, short term cash loans, affordable home loans at Pag IBIG Loyalty Card Plus.

Samantala, inaasahan naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, na patuloy na tataas ang bilang ng mga delivery riders na magiging miyembro ng Pag-IBIG Fund lalo na’t patuloy ang Pag-IBIG Asenso Rider Raffle Promo ng ahensya, isang special raffle promo para sa mga delivery riders.

“Nananatili kaming tapat sa aming mandato na dalhin ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng Pag-IBIG Fund sa mas maraming manggagawang Pilipino. Kabilang dito ang aming mga delivery riders, na ang serbisyo ay naging mahalaga sa aming pang araw-araw na buhay. Kaya naman bukod sa mas magandang access nila sa pagiging miyembro ng Pag-IBIG Fund, binibigyan din natin ng pagkakataon ang ating mga delivery riders na manalo ng mga special prizes para makatulong sa kanilang kabuhayan sa Pag-IBIG Asenso Rider Raffle Promo. Ang lahat ng ito ay kabilang sa maraming paraan kung paano natin ihahatid ang ating Lingkod Pag-IBIG Brand of Service – Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso – sa ating mga miyembro,” dagdag pa ni Acosta.

(We remain committed to our mandate of bringing the benefits of Pag-IBIG Fund membership to more Filipino workers. This includes our delivery riders,whose service have become vital in our daily lives. That is why in addition to bringing them better access to Pag-IBIG Fund membership, we are also providing our delivery riders the opportunity to win special prizes to help them with their livelihood with the Pag-IBIG Asenso Rider Raffle Promo.All these are among the many ways how we bring our Lingkod Pag-IBIG Brand of Service – Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso – to our members)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights