Ang mga pangunahing isyu na gustong marinig ng publiko sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay ang mga negatibong epekto ng isang depektibong Konstitusyon na maaaring malutas sa pamamagitan ng isang Constitutional Convention, ayon kay dating Presidential Anti-Corruption (PACC) Chairman at Pilipino Tayo movement lead convenor Greco Belgica.