NAGTUNGO sa Delpan Evacuation Center ang tinaguriang ‘Asyong Salonga’ ng Tondo na si dating Laguna Gov. ER Ejercito kasama ang grupo ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist (ABP) sa pamumuno ng kanilang 1st nominee at presidente na si Jose Antonio Ejercito Goitia at ang butihing maybahay nito, para muling magbigay ng ayuda at tulong sa mahigit dalawang libong pamilya na biktima ng sunog kamakailan sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila.