Maglulunsad ng Aklat ng Bayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Huwebes, Setyembre 26, 2024, 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Bulwagang Romualdez, 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila.
Tag: KWF
Dr. Raquel S. Buban at Dr. Dolores R. Taylan, Gagawaran sa KWF Dangal ng Wikang Filipino 2024
Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Dangal ng Wikang Filipino 2024, sina Dr. Raquel E. Sison-Buban, isang edukador, tagasalin, mananaliksik, tagapanayam, manunulat at alagad ng wika at Dr. Dolores R. Taylan, isang edukador, tagasalin, manunulat, at mananaliksik.