Catriona Gray, magpapakasal na kay Sam Milby

Photo: Sam Milby’s IG

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.Parang kailan lang na itong si Catriona Gray ay makipaghiwalay kay Clint Bondad at mapunta kay Sam Milby.Clint at Sam, dalawang lalaki.Ayon nga sa peryodistang pampelikulang si Roland Lerum na nang magsimula ng kanyang karera sa pagiging peryodista para sa mga babasahin noon ay ganito ang kanyang estilo:”Catriona Gray, isang babae na ang kagandahan ay bumibihag ng iba’t ibang klase ng lalaki…”At kung isusulat naman si Sam ay ganito ay ganito ang kanyang pasakalye:”Sam Milby, isang pagkakagandang lalaki ang kamachuhan ay bumibihag ng iba’t ibang klase ng babae…”Ganyan maglarawan si Roland ng isang katauhan sa kanyang mga sulatin.Para ngang paglalarawan kina Catriona at Sam.Nasa rurok ng katamisan ang pagmamahalan nina Gray at Mllby.Ngayon ay lalo pang umiigting ang kanilang relasyon.May haging nga si Catriona na ngayong taon ng 2024 ang paglagay nila sa tahimik, ayon sa ambush interview sa kanya ng peryodistang pampelikula sa himpapawid ng telebisyon na si MJ Felipe.Si MJ na tulad namin ni Roland ay nagtrabaho o nagtatrabaho sa ABS-CBN Entertainment Bureau. Sayang at namayapa na si Mario V. Dumaual na nakasama namin sa Star Network noon.Pero naabutan pa ni Mario sina Catriona, Sam at MJ.Ito ngang Miss Universe 2018 na si Gray ay papasok na rin sa negosyo na siya ring inamin niya kay Felipe.Talaga namang panahon na para lumagay sa tahimik si Miss Universe at ang kanyang kasintahang bituing lalaki.Noong isang taon ay nakipag-engage na si Catriona kay Sam.Ang magagandang nilalang na tulad nina Gray at Milby ay saktung-sakto lang na magnobyo at magnobya.Ang gaganda at guguwapo marahil ng iaanak nina Cat at Sam.Abala lang ngayon si Catriona bilang Arts Ambassador ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA na pinamamahalaan o pinatatagapanguluhan ni Victorino Mapa Manalo.Teka, naitanong namin sa Tagapangulong ito ng NCCA kung kaanu-ano niya si Jao Mapa.Sinabi ni Ginoong Victorino na pinsan niya si Jao.At sa paglulunsad nga ng NCCA sa 2024 National Arts Month o NAM sa Metropolitan Theater kamakailan ay puring-puri ni Ginoong Manalo, hindi si Jao dahil waka namang direktang kaugnayan ang aktor sa okasyon kundi si Catriona.May koneksyon din naman si Jao sa NCCA at NSM dahil bukod sa siya ay mamamayan ng Pilipinas, siya ay alagad rin ng sining hindi lang sa pag-arte kundi sa pagpinta.

**********

Magbubukas ang 2024 NAM sa February 23, 2024 sa Rizal National High School sa Pasig City.Napakaraming mga aktibidades ang inihahanda ng iba’t-ibang komite ng Subcommission of the Arts (SCA) tulad ng National Committee on Architecture and Allied Arts, Music, Dramatic Arts, Cinema, Literary Arts, Visual Arts at Dance.Kaya nga si Catriona ay aliw na aliw sa kanyang papel sa sining at kultura bukod pa sa kanyang romansa kay Sam.Sayang nga lamang at kamamatay lang ni Yolly Mejia Pua, panganay na kapatid ng aktres na si Vida Verde.Mahilig din sa sining si Ate Yolly at Vida lalo na ang kanilang pamangkin na si Christaliza Sawada na isang ballet dancer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights